Duterte dinagdagan ang pabuya sa pag-aresto sa mga pumatay sa mga pulis sa Negros Oriental

By Len Montaño August 08, 2019 - 10:01 PM

Malacanang photo

Mula sa dating P5 milyon, ginawang P6 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa ikadarakip ng mga pumatay sa mga pulis sa Negros Oriental.

Una nang may naarestong dalawang suspek sa krimen pero nais ng Pangulo na kumpirmado ang pagkakasangkot nila sa ambush sa apat na pulis.

Sa talumpati sa Malakanyang Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na P6 milyon na ang patong sa ulo ng mga suspek.

“Kung sino makatiklo nyan, P6 million nay an. Kung dalhin mo ang ulo sa harap ko…give to me his head,” ani Duterte.

Matatandaan na tinambangan ang mga pulis sa bayan ng Ayungon sa gitna ng operasyon ukol sa presensya ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong July 18.

 

TAGS: 4 pulis, Negros Oriental, NPA, P6 milyon, pabuya, pumatay, Rodrigo Duterte, 4 pulis, Negros Oriental, NPA, P6 milyon, pabuya, pumatay, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.