27 mountaineers na-trap sa Mt. Pinatubo

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2015 - 03:16 PM

Mt pinatubo
Inquirer file photo

Nagpapasaklolo ang 27mountaineers na umakyat sa Mt. Pinatubo noon pang Sabado.

Ayon kay Central Luzon, Office of Civil Defense assistant director Nigel Lontoc, tumawag sa headquarters ng National Disaster Risk Reduction and Managamennt Council (NDRRMC) ang mga mountaineers para humingi ng tulong.

Sinabi ni Lontoc na may ibang grupo na nahiwalay at nawalan ng contact sa ibang mountaineers kaya nagkaroon ng panic.

Nauubusan na rin umano ng supplies ang grupo.

Mayroon ding tatlong indibidwal ang sinasabing mayroong minor injury.

Nagpalipad na ng chopper mula sa Basa Air Base para saklolohan ang grupo.

“Hindi sila makukuha lahat so balikan. Yung iba pwedeng sa baba dumaan, yung may karga sa vehicle. Yung may emergency sa chopper na lang,” ayon kay Lontoc.

Ang nasabing mga mountaineers na nagtungo sa viewdeck ng Mt. Pinatubo mula sa Porac, Pampanga ay hindi umano kumuha ng permit mula sa local tourism office ng Tarlac o Pampanga.

Paalala ni Lontoc sa mga nais umakyat sa Mt. Pinatubo kinakailangan muna nilang dumaan sa local tourism office para humingi ng clearance at mabigyan ng guidance.

 

TAGS: Basa Air Base, Mt. Pinatubo, Porac, Basa Air Base, Mt. Pinatubo, Porac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.