MMDA ipinagtanggol ng Malacanang sa pagresolba sa mabigat na trapiko

By Chona Yu August 08, 2019 - 05:24 PM

Inquirer file photo

Umaapela ang Malacanang sa mga commuter na unawain na muna ang implementasyon na yellow bus lane ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagresulta ng matinding trapik sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, siya mismo ay nabiktima ng matindingt trapik.

Inabot aniya siya ng dalawang oras mula Makati patungo sa Singapore Embassy para sa isang event.

Ayon kay Panelo, kailangan na kasi ngayon ng mga skyway para masolusyunan ang matinding trapik.

Ikinatwiran pa ng kalihim na ginagawa na ng MMDA ang lahat ng kanilang makakaya para maresolba ang naturang problema.

TAGS: edsa, mmda, panelo, traffic, edsa, mmda, panelo, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.