Mga bakanteng lote ipinanukala ng DILG na gawing parking lot
Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na gamiting paradahan o parking lot ang mga bakanteng lote na nasa kanilang nasasakupan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ay para magamit ng mga sasakyan na maaapektuhan ng ipinatutupad ng kanilang ahensya na Memorandum Circular No. 2019-121 o paglilinis at pagtangal ng mga nakabara o ilegal na inspraktaktura na naka balandra sa mga kalsada gaya ng mga sasakyan.
Dagdag pa niya na ito ay makakatulong sa pagbigay solusyon sa mga may-ari ng sasakyan na nakakalabag sa ilegal parking.
Naniniwala ang pinuno ng DILG na sa pamamagitan nito madaling masosolusyonan ang lumalalang problema ng trapiko dito sa Metro Manila, at sa iba pang bahagi ng bansa.
Kaya payo niya sa mga alkalde ng bansa kailangan magisip ng iba pang paraan natutugun sa ipnauutos ni Pangulong Dutere sa nationwide road clearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.