Karapatan ng mga Chinese POGO workers dapat igalang ayon sa Malacanang

Inquirer file photo

Labag sa karapatang pantao ang panukala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na ilagay sa isang lugar ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operations (POGO).

Ito ay kung pipigilan ang kanilang movement o kalayaan na makagalaw.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, hinihintay pa ng palasyo ang opisyal na komunikasyon mula sa Pagcor.

Sinabi pa ni Panelo na hindi sapat na basehan ang rudeness o magaspang na pag-uugali ng Chinese para i-contain sa isang lugar.

May mga umiiral aniya na batas sa bansa na nakasaad sa revised penal code para parusahan ang sinuman na lalabag nito.

Kasabay nito, hinimok ng palasyo ang mga Chinese na nakararanas umano ng pang aabuso sa kanilang mga employer sa bansa na magsampa ng reklamo.

Hindi aniya hahayaan ng Pilipinas na magkaroon ng pang aabuso kaninuman maging ito ay mga Pinoy o mga dayuhan.

Read more...