Mas mataas na buwis sa vapes at e-cigarettes inihahanda na ng DOF
Pinag-aaralan na ng Department of Finance ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa vapes at e-cigarettes (electronic cigarettes).
Ito ay kasunod rin ng pagpapatupad ng mas mahal na excise tax sa lahat ng produktong sigarilyo.
Base sa panukala ng DOF, papatawan ng P45 na buwis ang vapes para maihalintulad sa ipinapataw na buwis sa isang pakete ng sigarilyo.
Kung hindi magkakaroon ng anumang hadlang ay magiging epektibo ang nasabing bagong buwis sa pagpasok ng taong 2020.
Sinabi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua na layunin ng mas mataas na buwis sa e-cigarettes at vapes alinsunod sa Republic Act No. 11346 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama dito ang dagdag na buwis sa vape cartridge, refill, pod, liquid solutions o gel basta’t higit sa 10ml ang laman.
Pinag-aaralan na rin ng DOF dagdag na excise taxes alcohol products at base sa panukala mula ssa kasalukuyang P25 ay gagawin itong P28 per liter hanggang P40 kada litro.
Kabilang sa popondohan ng dagdag buwis sa mga tinaguriang sin products ay ang mas pinalawak na universal health program ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.