Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Mindoro Occidental at sa maraming bayan sa Palawan

Nagtaas muli ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Occidental Mindoro at sa maraming lugar sa lalawigan ng Palawan na patuloy na inuulan dahil sa Habagat.

Alas 11:00 ng umaga ngayong araw, Aug. 8 orange warning level ang umiiral sa Occidental Mindoro at sa mga bayan ng Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, El Nido, at Taytay sa Palawan.

Yellow warning level naman ang nakataas sa ba pang bayan ng Palawan gaya ng Agutaya, Magsaysay, Cuyo, Dumaran, Aracelli, Roxas, at San Vicente.

Ayon sa PAGASA, ilang oras nang nakararanas ng tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan ang nasabing mga lugar.

Samantala, sa Visayas, nakataas rin ang yellow warning sa Guimaras, Iloilo at Antique.

Pinayuhan ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng flash flood.

Habang ang mga nakatira naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa pagguho ng lupa.

Read more...