Giant Hito na may bigat na 10 kilo nabingwit sa Pasig River

By Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2019 - 12:58 PM

Isang giant hito ang nabingwit sa Pasig River ng mga residente sa bahagi ng Guadalupe sa Makati City

Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia Huwebes, Augm 8 ng umaga nabingwit ang giant hito.

Sa pagtaya aniya ng nakabingwit dito ay may bigat ang isda na sampung kilo.

Bagaman magandang senyales ang pagkakahuli ng malalaking isda sa Pasig River pinaalalahanan ni Gotia ag publiko na patuloy ang pag-aaral kung ligtas bamg kainin ang mga nahuhuling isda sa Ilog Pasig.

Ani Gotia, ang pagkakahuli sa malalaking isda sa Pasig River ay magsisilbing inspirasyon para sa mas aktibo pang paglilinis at pagprotekta sa ilog.

TAGS: Giant Hito, Guadalupe sa Makati City, may bigat na 10 kilo, pasig river, Pasig River Rehabilitation Commission, PRRC Executive Director Jose Antonio "Pepeton" E. Goitia, Giant Hito, Guadalupe sa Makati City, may bigat na 10 kilo, pasig river, Pasig River Rehabilitation Commission, PRRC Executive Director Jose Antonio "Pepeton" E. Goitia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.