3 estudyante arestado makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kaklaseng babae sa CDO

By Jimmy Tamayo August 08, 2019 - 11:30 AM

Arestado ang tatlong estudyante makaraang ireklamo ng panggagahasa sa isang 23-anyos na estudyante ng Southern Philippines College sa Cagayan de Oro city noong martes.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jemboy Tonacao, 21anyos at residente ng Manticao, Misamis Oriental pero pansamantalang umuupa ng kuwarto sa lungsod; Junel Pabingwit, 24 anyos at residente ng Sto.Nino, Lapasan at isang menor de edad.

Sa inisyal na imbestigasyon, inimbitahan ang biktima sa pamamagitan ng chat group sa Facebook para sa birthday celebration ni Tonacao sa isang boarding house.

Nabatid na pawang ka-klase ng biktima ang mga suspek kaya nagpaunlak ito.

Bandang alas-5:00 ng hapon ng dumating ang biktima sa lugar kung saan naabutan nito na nag-iinuman na ang mga bisita.

Bandang alas-7:00 ng gabi at dahil nakainom ng alak ay nagpasya ang babae na makitulog muna bago umuwi ng kanilang bahay.

Pero kalaunan ay nagising umano siya na inaabuso na ng mga suspek sa pangunguna ni Tonacao habang kinukunan ng video ni Caballero ang panggagahasa sa kanya.

Nabatid sa Cagayan de Oro City police na nasa 6 ang suspek na nagtulungan sa pag-abuso biktima.

TAGS: Cagayan De Oro City, crime, rape, Cagayan De Oro City, crime, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.