Rider sugatan matapos bumangga sa likuran ng SUV sa Makati

By Jong Manlapaz August 08, 2019 - 10:53 AM

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos na sumalpok sa isang SUV sa Buendia Flyover sa Makati City.

Binigyan ng paunang linas ng rescue team ng Makati ang rider na hindi agad nakatayo at iniinda ang sakit sa bahagi ng kanyang tuhod.

Pumailalim ang motor sa likurang bahagi ng SUV at halos matanggal na ang bumper ng SUV.

Nagtutulung-tulong naman ang mga enforcer ng Makati Traffic para maiangat ang SUV para mahila ang motorsiklo dahil nagdulot ito ng ng mabigat na daloy ng traffic paakyat ng Buendia flyover palabas ng EDSA.

Base sa ID na nakuha ng biktima ay nagtatarabaho ito sa Makati City hall.

Ayon sa kasamahan ng biktima na nakasaksi sa aksidente, may naipon na tubig sa bahagi ng EDSA flyover kaya nagulat ang rider at biglang nagpreno.

TAGS: accident, buendia flyover, Makati, accident, buendia flyover, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.