Madadayang timbangan sa Blumentritt Market kinumpiska

Isa-isang binubusisi ng mga tauhan ng Manila City Hall ang lahat ng mga timbangan sa Blumentritt Market at hindi bababa sa 30 ang kinumpiskang timbangan.

Sinabi ni Zenaida Mapoy, ng Weight and Measurement Division, sa kabila ng tuluy-tuloy nilang paalala sa mga nagtitinda na ayusin ang kanilang mga timbangan ay marami pa rin silang natatanggap na reklamo.

Kasama ng grupo ni Mapoy ang ilang pulis para magbigay seguridad.

Maging ang mga timbangan na sobra ng isang guhit ay hindi pinalalagpas at kinukumpiska pa rin.

Ayon kay Mapoy tama lang na sakto ang mga timbangan sa mga pamilihan at hindi madaya dahil sapat naman ang ibinabayad ng mga mamimili.

Read more...