Paglago ng ekonomiya ng bansa bumagal sa 2nd quarter ng taon
Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taong 2019.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis S. Mapa, 5.5 percent na GDP growth lamang ang naitala para sa 2nd quarter ng taon.
Mas mababa ito sa 1st quarter GDP growth na 5.6% at sa 6.2% noong 2nq quarter ng 2018.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na hindi ito umabot sa target na GDP growth ng pamahalaan.
Kailangan kasing makapagtala ng hindi bababa sa 6.4% na paglago sa ekonomiya para makamit ang full year target na 6% hanggang 7%.
Dagdag pa ni Pernia, ito na ang pinakamabagal na GDP growth sa nakalipas na 17 quarters.
Para sa 2nd quarter ng 2019, ang services sector ang may pinakamataas na kontribusyon na 7.1 %, sinundan ng industry sector – 3.7 percent at ang Agriculture – 0.6%.
Tatlong bagay ang binanggit ni Pernia na maaring naging dahilan ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya, una aya ang US-China trade war, ang nararanasang El Niño, gayundin ang pagkakabinbin ng pagpasa sa 2019 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.