Pagkakaroon ng rice cartel pinaiimbestigahan ng isang kongresista

By Erwin Aguilon August 08, 2019 - 09:53 AM

Pinaiimbestigahan ni House Assistant minority leader Stell Luz Quimbo sa Philippine Competition Commission (PCC) ang mga rice millers at traders dahil sa sinasabing paglabag sa batas at pag-abuso.

Partikular na pinauungkat ni Assistant Minority Leader at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang posibleng pamamayagpag ng rice cartel sa gitna ng pag-iral ng Rice Tariffication Law.

Nakakaalarma anya ahil bagamat positino ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pampublikong pamilihan sa2.9%, ang presyo naman ng palay na binebenta sa mga magsasaka sa rice traders at middlemen ay mas mataas ng 17.48% .

Nangangahulugan aniya ito na ang mga magsasaka ang siyang nagdadala ng malaking bahagi ng pagbawas sa presyo ng bigas na hindi patas.

Naniniwala si Quimbo na maling magkalayo ang agwat ng pagbaba ng nabibiling bigas at sa ibinibentang palay at posibleng mayruong lumabag sa Section 15 ng Philippine Competition Act na nagtatakdang hindi dapat maabuso o mapagsamantalahan ang mga rice farmer.

Nais ding malaman ng mambabatas kung napakikinabangan ng mga maliliit na magsasaka ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na magagamit dapat na pansuporta sa gitna ng inaasahang epekto ng pagbaha ng murang imported rice. at paglabag sa batas ng ilang mga rice miller at rice trader sa bansa.

TAGS: Price of Rice, rice cartel, Price of Rice, rice cartel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.