Cebu dancing inmates tampok sa isang docu-series sa Netflix

By Jimmy Tamayo August 08, 2019 - 09:43 AM

Tampok sa isang documentary series na mapapanood sa Netflix ang sikat na dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation center.

Ipapakita sa five-part docu-series kung paano naging parte ng buhay ng mga bilanggo ang pagsasayaw dahilan para sila ay makilala at maging viral sa social media ang video ng kanilang pagsasayaw.

Taong 2007 ng mag-viral ang video ng pagsasayaw nila sa kantang “Thriller” ni Michael Jackson.

Ang docu-series ay pinamagatang “Happy Jail” sa direksyon ng Emmy Award winner na si Michele Josue at mapapanood simula sa August 14.

Ang Netflix ang nangungunang internet entertainment service at mayroong 151-million membership worldwide.

TAGS: Cebu Dancing Inmates, Emmy Award winner, happy jail, Thriller, Cebu Dancing Inmates, Emmy Award winner, happy jail, Thriller

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.