Rainfall advisory ipinalabas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

May nakataas pa ring rainfall advisory ang PAGASA sa Metro Manila at maraming lalawigan sa Luzon.

Sa inilabas na abiso, alas 8:50 ng umaga, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nakaaapekto sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Aasahan din ang ganitong lagay ng panahon sa Rizal, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Ang pag-ulang nararanasan ay dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.

Payo ng PAGASA sa publiko manatiling alerto at mag-antabay sa mga ipinalalabas na abiso.

Read more...