Aug. 12 holiday kinumpirma na ng Malakanyang

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo August 08, 2019 - 08:42 AM

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na idineklarang regular holiday ang August 12, 2019 araw ng Lunes.

Ito ay bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sinabi ni Medialdea na layon ng deklarasyon sa bisa ng Proclamation No. 789 na mabigyang pagkakataon ang Muslim Filipinos na ipagdiwang ang Eid’l Adha.

Ang naturang petsa ang inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) para maideklarang holiday.

Ayon sa NCMF, ang Eid’l Adha ay pormal na mag-uumpisa ng August 11 araw ng Linggo, pero mas mainam na maideklarang holiday ang Lunes, Aug. 12 para sa selebrasyon.

TAGS: Eid'l Adha, Holiday, regular holiday, walang pasok, Eid'l Adha, Holiday, regular holiday, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.