Senador, kongresista may reaksyon din sa Bea, Gerald at Julia issue

Nakisakay na rin ang ilang mambabatas sa isyung kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson.

Matapos ang Twitter post ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, nagpahayag na rin ng kanilang opinyon ang ilang pulitiko.

Si Senator Nancy Binay, tila sinagot ang post ni Leonen nang sabihin nito sa kanyang tweet na – “Gurls, he’s not worthy” na sinamahan pa niya ng hashtag na #KalmaLangGirls at #Moveon.

Si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon, nagbiro na nais na rin niyang paimbestigahan sa kongreso ang nasabing isyu.

Noong Miyerkules, nag-trending si Justice Leonen nang mag-post ito sa kanyang Twitter account na – “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking.”

Samantala, hinihintay naman ng marami kung ano ang magiging sagot ni Bea Alonzo sa pahayag ni Julia Barretto laban sa kanya.

Read more...