Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Guimaras, Iloilo at Antique
Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas na patuloy na inuulan dahil sa Habagat.
Alas 5:00 ng umaga ngayong araw, Aug. 8 yellow warning level ang umiiral sa Guimaras, Iloilo at Antique.
Ayon sa PAGASA, ilang oras nang nakararanas ng tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan ang nasabing mga lalawigan.
Yellow warning level din ang nakataas sa Occidental Mindor0 at sa mga bayan ng Coron, Busuanga, Culion, Linapacan, El Nido, Taytay, Aracelli, Dumaran, Roxas, San Vicente, Agutaya, Magsaysay, at Cuyo sa Palawan.
Pinayuhan ang mga residente na nakatira sa mabababang lugar na mag-ingat sa posibleng flash flood.
Habang ang mga nakatira naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.