Padre Faura sa Maynila isinara dahil sa protesta ng mga supporters ni Poe
Sumugod sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura Maynila ang grupo mga supporters ni Senator Grace Poe.
Bitbit ang mga tarpaulin nagsagawa ng kilos protesta sa kahabaan ng Padre Faura ang grupong PCJ o Philippine Crusader for Justice.
Sa pagtaya ni Manila Police District Station 5 commander Supt. Albert Barot, nasa 700 katao ang nagsagawa ng pagkilos para kalampagin ang korte suprema na agad na magdesisyon sa apela na ihahain ng kampo ng senadora.
Sa nasabing pagkilos, kinondena din ng grupo ang running mate ni Poe na si Senator Chiz Escudero.
Inakusahan ng PCJ si Escudero ng umano’y pag-abandona sa senadora.
Paliwanag ni Kim Garcia tagapagsalita ng PCJ, nakakadismaya anila ang panloloko ni Escudero sa kaibigan at ka-tandem dahil alam niyang madidisqualify lamang ang senadora.
Iginigiit ng grupo na may pananagutan si Escudero na tinawag nilang ‘Boy Laglag’ at ‘Boy Abandon’ sa kanyang mga kaibigan dahil umano sa personal na interes lamang ang iniisip nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.