Construction worker nakuhaan ng nakaw na motorsiklo sa Caloocan

By Rhommel Balasbas August 08, 2019 - 04:51 AM

Timbog ang isang lalaki matapos makuhaan ng nakaw na motorsiklo sa Brgy. 178, Bagong Silang, Caloocan City.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Federico’, 39 anyos, isang construction worker.

Nakatanggap ng sumbong ang Caloocan Police na namataan ang isang nakaw na motorsiklo sa Phase 1 ng Brgy. Bagong Silang.

Dahil dito, agad na nagpadala ng pulis sa naturang lugar kasama ang may-ari ng sinasabing ninakaw na motorsiklo.

Positibong itinuro ng complainant ang kanyang motorsiklo na natyempuhang sakay si Federico at ang isa pang lalaki na nakilalang si alyas ‘Johny’.

Agad na inaresto si Federico ngunit nakatakas si Johny at patuloy itong pinaghahanap.

Mahaharap ngayon si Federico sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.

 

TAGS: Anti-Carnapping Act of 1972, arestado, caloocan, construction worker, motorsiklo, nakaw, Anti-Carnapping Act of 1972, arestado, caloocan, construction worker, motorsiklo, nakaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.