M4.0 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-3:53 Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 60 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa mga bayan ng Kiamba at Alabel sa Sarangani at sa General Santos City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...