Trump bumisita sa Dayton at El Paso

By Rhommel Balasbas August 08, 2019 - 04:46 AM

AP photo

Protesta ang sumalubong kay US President Donald Trump sa pagbisita nito sa Dayton, Ohio araw ng Miyerkues.

Ang pagbisita ni Trump sa Dayton, Ohio at El Paso, Texas ay dahil sa naganap na mass shootings sa dalawang lungsod na kumitil sa buhay ng 31 katao.

AFP photo

Sa pagbisita ni Trump sa ospital sa Dayton, nasa 200 protesters ang nagtipon kung saan ilan ay nagsabing hindi welcome ang presidente sa kanilang lungsod.

Iginiit ng ilan na maaaring ang ‘racist’ na komento ni Trump laban sa Hispanic people ang posibleng dahilan ng mga pag-atake.

Magugunitang ‘hate crime’ ang tinitingnang motibo sa mass shootings partikular sa El Paso kung saan 22 ang nasawi.

Pero sa kanyang pahayag, sinabi ni Trump na pinagkakaisa niya ang mga mamamayan at maganda ang nangyayari sa US ngayon.

Ipinagtanggol ni Trump ang kanyang mga pahayag sa ilang mga isyu partikular sa immigration.

 

TAGS: bumisita, Dayton, El Paso, mass shooting, ohio, protesta, Texas, US President Donald Trump, bumisita, Dayton, El Paso, mass shooting, ohio, protesta, Texas, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.