Quezon at Davao Occidental niyanig ng lindol
Naitala ang mga pagyanig sa Quezon at Davao Occidental Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, alas-12:42 nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Quezon.
Ang episentro ng pagyanig ay sa layong 15 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Real.
May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Mauban, Quezon.
Ala-1:51 naman ay yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental.
Ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Kanluran ng Jose Abad Santos.
May lalim naman ang pagyanig na 33 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.