Ellen Adarna humiling umano ng proteksyon sa korte laban kay John Lloyd Cruz

Lalong uminit ang balita na hiwalay na ang controversial couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.

Buwan ng Hunyo ay “on the rocks” na umano ang relasyon ng dalawa dahil hindi na umano maintindihan ng aktres ang aktor sa pagiging weird nito.

Pinakahuling balita sa dalawa ay ang paghahain umano ni Ellen ng Temporary Protection Order (TPO) laban kay John Lloyd sa isang korte sa Cebu City.

Layon umano ng hakbang ng aktres na hindi makalapit at makita ng aktor ang anak nilang si Elias Modesto.

Nabatid pa na nasa estadong “co-parenting” ang dalawa para sa bata.

Nasa Vietnam ngayon si John Lloyd habang si Ellen ay galing sa bakasyon sa Thailand.

 

Read more...