Davao City Council pinababawi na kay Pangulong Duterte ang martial law

By Rhommel Balasbas August 08, 2019 - 03:17 AM

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Davao ang isang resolusyon na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa siyudad.

Inihain ni committee of peace and public safety chair Councilor Mabel Acosta ang resolusyon para alisin na ang batas militar.

Ayon kay Acosta, maaaring makaapekto sa pamumuhunan at pagnenegosyo ang martial law sa Davao City.

Magugunitang idineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa buong Mindanao noong 2017 matapos ang bakbakan ng militar at ng ISIS-inspired Maute terror group.

Pinalawig ang deklarasyon hanggang sa katapusan ng taon matapos ang hiling ng pangulo dahil sa umano’y banta sa seguridad.

Una rito, sinabi mismo ni Mayor Sara Duterte-Carpio na dapat nang alisin ang martial law sa lungsod dahil ilan sa mga foreign envoys at business officials ang nagpahayag ng pagkahabala dito.

Kaugnay nito, hiniling ng alkalde sa militar at pulisya na magsagawa ng masusing assessment sa kasalukuyang security situation ng Davao City.

 

TAGS: Councilor Mabel Acosta, Davao City Council, Investment, ISIS, marawi, Martial Law, Maute Group, Mayor Sara Duterte-Carpio, pinababawi, Rodrigo Duterte, security situation, trade, Councilor Mabel Acosta, Davao City Council, Investment, ISIS, marawi, Martial Law, Maute Group, Mayor Sara Duterte-Carpio, pinababawi, Rodrigo Duterte, security situation, trade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.