PBA Finals tabla sa 1-1; San Miguel nalusutan ang TNT sa 2 OT

Tristan Tamayo, Inquirer.net

Tabla na ang champion series sa 1-1 matapos talunin ng San Miguel ang TNT matapos ang dalawang overtime.

Nagtapos ang Game 2 sa finals ng PBA Commissioner’s Cup sa score na 127-125.

Galing kay June Mar Fajardo ang huling dalawang puntos ng Beermen nang ipasok nito ang dalawang free throws sa natitirang 32 segundo sa ikalawang OT.

Pero si Terrence Romeo naman ang itinanghal na Best Player of the Game dahil sa ginawa nitong 29 points.

Sa panig naman ng TNT, gumawa si Jayson Catro ng 27 points pero hindi nito naipasok ang mahalagang three-point shot sa huling bahagi ng pangalawang overtime.

Nagtala naman si TNT import Terrence Jones ng 28 points at 18 rebounds pero na-eject ito sa laro dahil sa dalawang technical fouls.

Muling magsasagupa ang San Miguel at TNT para sa Game 3 sa Biyernes ng gabi.

 

Read more...