Bureau of Fire and Protection nasa red alert status na
Itinaas na ng Bureau of Fire and Protection (BFP) ang red alert status bilang bahagi ng paghahanda ng sa mga sunog na posibleng maganap sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Kasunod nito, sinabi ni BFP spokesman Superintendent Renato Marcial na gaya ng Department of Health (DOH) suportado din nila ang panukalang total ban sa lahat ng uri ng paputok.
Sinabi ni Marcial na sa Davao City at Muntinlupa City ay epektibong naipatutupad ang total ban sa firecrackers para sa kaligtasan ng kanilang mga constituents.
Mas makabubuti rin ayon kay Marcial ang paglalagay ng iisang lugar ng mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng fireworks display kung saan mga eksperto lamang ang hahawak sa mga firecrackers at fireworks.
Ilang araw bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon, sunod-sunod na sunog ang nagaganap sa ilang bahagi ng Metro Manila maging sa mga lalawigan.
Katunayan ayon sa BFP, ang datos ng mga insidente ng sunog na naitala ngayong taon ay mas mataas na ng 1,500 kumpara sa naitala noong taong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.