5 minutong biyahe mula Cubao patungong Makati ‘doable’

By Chona Yu August 08, 2019 - 12:56 AM

Kumpiyansa si Build, Build, Build chairman Ana May Lamentillo na kakayanin ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magawang 5 minuto na lamang ang biyahe mula Cubao, Quezon City patungong Makati City bago matapos ang taong 2019.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang araw ng Miyerkules, sinabi ni Lamentillo na hindi sa EDSA ang daan nito.

May ginagawa na anyang hakbang ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Halimbawa anya ang Skyway stage 3 na makukumpleto na ngayong taon.

Isa itong expressway na kukunekta sa Buendia, Makati City patungong North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City.

Sinabi pa ni Lamentillo na marami pang gagawing proyekto na layon na magbigay ng alternatibong ruta sa mga motorista para mabawasan ang mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.

Sinabi rin ni Lamentillo na oras na makumpleto na ang iba pang proyekto maging ang mga tulay sa paligid ng EDSA, inaasahan na sa pagpasok ng taong 2022 ay mas luluwag na ang trapiko sa buong Metro Manila.

 

TAGS: 5 minuto, Ana May Lamentillo, Bild, Buiild, Cubao, doable, DPWH, edsa, Makati, Skyway Stage 3, 5 minuto, Ana May Lamentillo, Bild, Buiild, Cubao, doable, DPWH, edsa, Makati, Skyway Stage 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.