Mga ospital ng PNP naghahanda kontra dengue

By Angellic Jordan August 08, 2019 - 12:38 AM

Kasunod ng deklarasyon ng national dengue epidemic sa bansa, naghahanda na ang mga ospital ng Philippine National Police (PNP) para makontra ang pagkalat ng sakit.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na naglabas na ng direktiba si PNP chief General. Oscar Albayalde sa PNP health service para sa paghahanda ng kanilang hanay.

Ipinag-utos aniya sa health service ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ospital sa iba’t ibang rehiyon para maitaas ang kamalayan laban sa sakit.

Maliban dito, pinaalalahanan din ang mga ospital at health center sa mga police regional offices na suriin ang lagay ng kalusugan ng mga pulis at kani-kanilang pamilya.

Ipinatupad din ang ‘4 o’clock scheme’ sa lahat ng pasilidad ng pulisya.

Naghahanda rin ang PNP sa pag-donate ng dugo sa mga pasyenteng apektado ng dengue.

 

TAGS: 4 o'clock scheme, Dengue, donate, dugo, kontra, naghahanda, PNP chief General Oscar Albayalde, PNP Health Service, PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, 4 o'clock scheme, Dengue, donate, dugo, kontra, naghahanda, PNP chief General Oscar Albayalde, PNP Health Service, PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.