Pito sa sampung Pinoy naniniwalaang walang dayaan sa May 2019 elections
Pito sa sampung Filipino ang naniniwalang walang naganap na dayaan sa nagdaang 2019 midterm elections batay sa panibagong survey ng Pulse Asia.
Batay sa resulta ng survey, lumabas na pitumpu’t apat na porsyento ng mga respondent ang tiwalang walang dayaan sa May 13 polls habang pitong porsyento ang nagsabing nagkaroon ng dayaan.
Labing-siyam na porsyento naman ang nagsabing hindi makukumpirma ang presensiya ng panloloko sa naturang eleksyon.
Samantala, animnapu’t apat na porsyento ang nagsabing hindi nagkaroon ng vote buying sa kanilang lugar, labing-anim na porsyento ang nagsabing mayroon at dalawampung porsyento ang hindi tiyak.
Isinagawa ang survey na may sampling error margin na ±3 para sa national percentage at ±6 sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao mula June 24 hanggang 30 ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.