Nagbunyi ang mga Hollywood celebrities sa desisyon ng US Supreme Court na gawing legal na ang same-sex marriage sa buong Amerika.
Gamit ang kani-kanilang twitter account, nag-post ng reaksyon ang mga artista at singers, at iba pang Hollywood celebrities matapos mailabas ang itinuturing na “historic decision” ng US Supreme Court.
Ilan sa mga Hollywood celebrities na hayag ang pagsuporta na maipasa na ang same-sex marriage sa Amerika ay ang British singer na si Elton John at si US host Ellen DeGeneres. Maiksi lamang ang naging pahayag ni DeGeneres at sinabi nitong “love won”.
Sa kaniya namang post sa twitter, sinabi ng singer na si Madonna na nagsimula na ang “revolution of love”.
Ayon naman kay Lady Gaga, lahat ay malaya nang magmahal, malaya nang magpakasal at mayroon nang pagkakapantay-pantay.
Nagpasalamat naman ang aktor na si Neil Patrick Harris sa US Supreme Court dahil sa naging pasya nito.
Sinabi naman ni Jesse Tyler Ferguson na isa ring aktor at bida sa TV Comedy show na “Modern Family”, naging emosyonal siya nang marinig ang balita. Sa wakas ay magkakaroon na aniya ng marriage equality sa US.
Ang singer na si Sam Smith na nagpasikat ng awit na “Stay with me” ay masaya din sa naging desisyon ng Supreme Court. Aniya, umaasa siyang wala nang aapela sa kaso. Sinabi ni Smith na ito ang araw para magdiwang.
“All 50 STATES!!!! So happy. Times are changing my friends. We have such a long way to go and so much more fighting to do so I hope nobody stops and thinks everything’s ok because it isn’t, BUT it’s days like today, and moments like this that we’ve all gotta have a drink and celebrate how far we have come. I couldn’t be prouder to be gay. Love to all”, ayon sa post ni Smith sa social media./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.