P102-B forfeiture case laban sa pamilya Marcos at cronies ibinasura ng S’Bayan

By Den Macaranas August 07, 2019 - 03:48 PM

File photo

Ibinasura ng Sandiganbayan ang P102-billion forfeiture case laban sa pamilya Marcos at ilan sa kanilang mga cronies.

Respondent sa nasabing kaso sina dating Pangulong Ferdinand Marcos, dating First lady Imelda Marcos at 11 sa kanilang mga dating tauhan.

Sa 67-page ruling sa Civil Case 0034 na may petsang August 5, sinabi ng Sandiganbayan Second Division na nabigo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na magharap ng ebidensya laban sa mga akusado.

Bigo umano ang PCGG na patunayan na nagkaroon ng sabwatan ang mga akusado sa pagbibigay ng loan

Aklan Bulk Carriers, Inc., Fuga Bulk Carriers, Inc., Coron Bulk Carriers, Inc., at Ecija Bulk Carriers, Inc.

Nabigo rin ang PCGG na patunayan na may naganap na katiwalian sa pagpapatakbo sa operasyon ngRPN-9, IBC-13 at BBC-2.

Hindi rin napatunayan ng PCGG na naglagak ang grupo ni Marcos ng pera sa  California Overseas Bank.

Kabilang sa mga isinangkot sa naturang kaso ay sina Rafael Sison, Placido Mapa, Jr., Don M. Ferry, Jose R. Tengco, Jr., Ramon Monzon, Generosa C. Olazo, Cynthia Cheong, Ma. Luisa E. Nograles, Leopoldo Vergara, Jose L. Africa at Rodolfo Arambulo.

TAGS: civil case, forfeiture case, ibc, Marcos, PCGG, rpn, civil case, forfeiture case, ibc, Marcos, PCGG, rpn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.