Nilinaw ng DOF na sapat ang mga ibinibigay na incentives sa ilang mga negosyo sa bansa kabilang na ang nasa sektor ng transportasyon.
Sa pagdinig sa “Electric Vehicles and Charging Stations Act” sa Senado ay ikinatwiran ni Finance Usec. Bayani Agabin na pabor sila sa pagsusulong ng maayos na kapaligiran tulad ng paggamit ng mga e-vehicles.
Pero ipinaliwanag ng opisyal na lumawak na ang tax base sa sektor ng negosyo lalo na sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na mapapakinabangan rin ng e-vehicles sector.
Nauna nang ipinanukala ni Senate Energy committee chair Senator Sherwin ang pagbibigay ng tax exemptions sa e-vehicles para mas maging competitive ang halaga nito laban sa mga sasakyan na gumagamit ng fossil fuels lalo na ng diesel.
Sa kasalukuyan ang mga sasakyang may halagang P600,000 hanggang P1 million ay pinapatawan ng10% tax mula sa dating 2% lamang.
Ang mga sasakyan naman na nasa pagitan ng P1 million hanggang P4 million ang halaga ay may tax rate na 20%.
Samantalang ang mga sasakyan na ang halaga ay P4 million pataas at na tax rate na 50% ng kabuuabng halaga nito.