Pagiging kuntento ng mga Filipino sa resulta ng katatapos na eleksyon sampal sa mga kritiko – Malakanyang

By Chona Yu August 07, 2019 - 01:06 PM

Welcome sa Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations na nagsasabing apat sa limang Filipino ang kuntento sa resulta ng katatapos na midterm elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sampal ito sa mga kritiko lalo na sa hanay ng minorya na duda sa resulta ng halalan.

Nagsalita na aniya ang taong bayan kung kaya dapat nang itigil ang pang iinsulto sa mga botante.

Particular na tinutukoy ni panelo ang mga kritiko na nagbibigay ng pang eletistang puna dahil sa klase ng mga ibinoto ng mga Filipino.

Patuloy aniyang pagsusumikapan ni pangulong duterte na hikayatin ang commission on elections na tiyakin na na magiging fraud free technology provider ang gagamiting makina sa 2022 elections.

Ayon kay Panelo, target ni pangulong duterte na magiwan ng magandang electoral reform legacy sa bansa.

TAGS: automated elections, survey, SWS, automated elections, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.