2 miyembro ng MILF patay sa pananambang sa Tacurong City

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2019 - 12:51 PM

Patay ang dalawang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraang tambangan ng hindi nakilalang gunman sa isang gas station sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police Lt. Col. Rey Egos, Tacurong City police director, ang mga nasawi ay sina Sangutin Musil alyas Commander Jerry Amino, 53 at Alex Amino Toto, 30 anyos.

Ang dalawa ay tinambangan habang nasa AB Gasoline Station sa Alunan highway.

Nalaman na sila ay kasapi ng MILF base sa nakuhang ID sa kanila.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng kotse ang dalawa at magpapagasolina sana nang dumating ang nag-iisang suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril sila.

Dead on the spot ang dalawa.

Pinaniniwalaang rido o away pamilya ang sanhi ng pamamaslang.

TAGS: ambush, MILF, TAcurong City, ambush, MILF, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.