Kasunduan para sa libreng WiFi sa anim na lugar sa Maynila, nilagdaan ni Mayor Isko Moreno at ng PLDT
Lumagda sa kasunduan si Manila Mayor Isko Moreno at si PLDT-Smart President at CEO Manny V. Pangilinan para lagyan ng WiFI connections ang ilang pangunahing lugar sa lungsod.
Sa ilalim ng kasunduan magkakaroon ng libreng WiFi sa sumusunod na lugar sa Maynila:
– Manila City Hall
– Ospital ng Maynila
– Tondo Medical Center
– Gat Andres Medical Center
– Universidad de Manila
– Museo Pambata
Nagtungo si Pangilinan sa Manila City Hall para lagdaan ang kasunduan kasama si Moreno. Kasama ring lumagda si Smart Chief Revenue Officer Al Panlilio.
Magagamit ng publiko ang libreng WiFi sa loob ng 30 minuto kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.