Mga bus na biyaheng Laguna – Cubao nagpatuloy sa pagdaan sa EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon August 07, 2019 - 12:30 PM

Nagpatuloy sa kanilang ruta mula Laguna patungong Cubao ang mga bus na pag-aari ng HM Transport Inc.

Ito ay sa kabila ng dry run ng MMDA sa provincial bus ban sa EDSA.

Miyerkules (Aug. 7) ng umaga lumabas ng Sta. Rosa Integrated Bus Terminal ang mga bus ng HM Transport at pinabiyahe ang kanilang gma driver sa regular na ruta nitong Sta. Cruz, Laguna – Cubao.

Ayon kay HM Transport Operations Manager Jojo Fernandez, wala naman silang makukuhang pasahero sa SRIT.

Noong una ay nag-volunteer ang HM Transport na sumunod at makiisa sa dry run ng MMDA.

Pero ang mga kalaban nilang kumpanya ng bus ay hindi nakiisa sa dry run.

Sinubukan naman aniya nilang sumalil sa dry run at inatasan pa nga ang mga bus nila na magtungo sa SRIT para doon kumuha ng pasahero.

Pero ang 40 bus nilang nagtungo sa SRIT ay bumalik lahat ng Sta. Cruz, Laguna terminal ng walang sakay.

TAGS: bus ban, bus terminal, Dry Run, edsa, laguna, mmda, SRIT, bus ban, bus terminal, Dry Run, edsa, laguna, mmda, SRIT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.