Typhoon Hanna bumagal pa ang galaw; maraming lugar sa Luzon uulanin hanggang bukas
Bumagal pa ang galaw ng Typhoon Hanna na huling namataan ng PAGASA sa layong 630 kilometers East ng Basco, Batanes.
Mabagal ang galaw ng bagyo sa direksyong North Northwest.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Ang outer rainbands ng bagyong Hanna ay naghahatid ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands na nakasailalim sa signal number 1.
Malakas na buhos ng ulan pa rin dahil sa Habagat ang nararanasan sa northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Zambales, Bataan, Aklan, Antique, Iloilo at Guimaras.
Mahina hanggang katamtaman na ulan din ang nararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at sa Western Visayas.
Bukas ay mananatiling masungit ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa Biyernes ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.