Miyembro ng human rights group nakaligtas sa pamamaril sa Ifugao
Nakaligtas sa tangkang pagpatay ang miyembro ng isang human rights group makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Lagawe, Ifugao gabi ng Martes.
Kinilala ang nasugatan na si Brandon Lee, 37-anyos na miyembro ng Cordillera Human Rights Alliance at contributor ng online-news website na Northern Dispatch.
Miyembro rin si Lee ng non-government organization na Ifugao Peasant Movement bilang paralegal volunteer.
Isa si Lee sa mga aktibista na iniuugnay ng militar bilang supporter at miyembro ng New People’s Army (NPA) noong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.