300 katao arestado sa sinalakay na sabungan sa Mandaue City

By Jimmy Tamayo August 07, 2019 - 10:53 AM

Nasa 300 katao ang pinagdadampot ng pulisya makaraang salakayin ang isang sabungan sa Mandaue City.

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas, target ng raid ang may-ari ng G and C Coliseum na nasa Barangay Estancia.

Hindi naman naabutan ng mga pulis ang may ari ng sabungan na pag-aari umano ng Cortes family bagamat bineberipika pa ng otoridad kung totoong sangkot ang isang ospisyal sa operasyon nito.

Nilinaw naman ni Major Edwin Lacostale ng CIDG-7, bagamat may permit ang cockpit arena, pinapayagan naman itong mag-operate sa mga araw na itinatakda ng batas.

Ang mga naaresto ay pansamantalang dinala sa isang sports complex habang pinoproseso ang kanilang kaso.

TAGS: arrested, cockfighting, Mandaue City, arrested, cockfighting, Mandaue City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.