Sa latest survey ng Pulse Asia, 9 sa bawat 10 Filipino ang nagsabing pabor sila na isagawa muli ang automated elections sa mga susunod na halalan.
91 percent ng mga respondent ang nagsabi na nais nilang magpatuloy ang automated voting sa mga magaganap pang eleksyon.
7 percent lang ang nagsabi na hindi sila pabor.
Samantala, 94 percent naman ng respondents ang nagsabi na para sa kanila ay maayos ang naging takbo ng May elections at 4 percent ang nagsabing hindi maayos.
Ang resulta ng survey ay sa kabila ng mga naranasan na technical glitches noong halalan kabilang ang hindi gumanang VCMs at SD cards.
MOST READ
LATEST STORIES