Nakararaming Pinoy pabor sa automated elections – Pulse Asia

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2019 - 10:36 AM

Mayorya ng mga Filipino ang kuntento sa isinagawang automated elections noong May 2019.

Sa latest survey ng Pulse Asia, 9 sa bawat 10 Filipino ang nagsabing pabor sila na isagawa muli ang automated elections sa mga susunod na halalan.

91 percent ng mga respondent ang nagsabi na nais nilang magpatuloy ang automated voting sa mga magaganap pang eleksyon.

7 percent lang ang nagsabi na hindi sila pabor.

Samantala, 94 percent naman ng respondents ang nagsabi na para sa kanila ay maayos ang naging takbo ng May elections at 4 percent ang nagsabing hindi maayos.

Ang resulta ng survey ay sa kabila ng mga naranasan na technical glitches noong halalan kabilang ang hindi gumanang VCMs at SD cards.

TAGS: automated elections, comelec, Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer, automated elections, comelec, Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.