Korte nagpalabas ng HDO laban sa mga akusado sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin
Nagpalabas ang korte sa Ologanpo City ng hold departure order o HDO laban sa mga akusado sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin.
Tugon ito ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court branch 72, sa kahilingan ng prosekusyon na mag-isyu ng HDO laban sa mga akusado na sina Alan Dennis Sytin at Oliver Fuentes.
Kasabay nito ay inaatasan ng korte ang Bureau of Immigration (BI) na ipatupad ang HDO laban kina Sytin at Fuentes.
Nauna nang ipinaaresto ng korte ang dalawa dahil sa kasong murder at frustrated murder.
Sa salaysay ni Edgardo Luib na isang hired killer, kinausap siya ni Fuentes para sa isakatuparan ang utos umano ni Dennis Sytin na patayin ang kapatid niyang si Dominic.
Tinambangan si Dominic Sytin sa isang hotel sa Subic Freeport noong November 28, 2018, habang sugatan ang driver nitong si Efren Espartero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.