Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Occ. Mindoro at maraming lugar sa Palawan

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2019 - 10:10 AM

Inuulan pa rin ang Palawan at ang Occidental Mindoro dahil sa Habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.

Sa 8:00AM rainfall warning ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa Occidental Mindoro at sa mga bayan ng Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, El Nido, Taytay, Aracelli, Dumaran, San Vicente, Roxas, Agutaya, Cuyo, at Magsaysay sa Palawan.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha at landslide dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.

Pinayuhan ang mga residente na maging alerto at mag-antabay sa mga ipinalalabas na abiso ng weather bureau. (END/DD)

TAGS: rainfall warning, yellow warning, rainfall warning, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.