Sen. Imee Marcos kontra sa planong pagtatakip ng mga estero

By Jan Escosio August 07, 2019 - 09:54 AM

Agad nagpahayag ng pagkontra si Senator Imee Marcos sa plano ng ilang lokal na pamahalaan na takpan ang mga estero sa Metro Manila para gawin parking lot at paglilipatan sa mga street at sidewalk vendors.

Ayon kay Marcos pinaghirapan ng kanyang inang si dating Unang Ginang Imelda Marcos noong ito pa ang gobernadora ng Kalakhang Maynila na ayusin at linisin ang mga estero para maibsan ang pagbaha.

Naniniwala ang senadora na kapag itinuloy ng ilang Metro Manila mayors ang kanilang plano ay lalala ang mga pagbaha kapag umuulan.

Ilang alkalde ang nagsabi na isang opsyon para mapaglipatan ng mga vendors na maapektuhan ng clearing operations ay ang mga tatakpan na estero.

Maari din anilang mapagparadahan ito ng mga sasakyan na maapektuhan naman ng anti-illegal parking operations.

TAGS: estero, illegal parking, Metro Manila, metro mayors, estero, illegal parking, Metro Manila, metro mayors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.