10 pasahero nailigtas sa tumaob na motorbanca sa Mactan

Sampung katao ang nailigtas ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Barangay San Vicente sa Olango Island patungong mainland ng Mactan.

Ito ay makaraang tumaob ang sinasakyang bangka ng mga ito habang patungo sila sa kanilang trabaho Miyerkules (Aug. 7) ng umaga.

Hinampas ng malalaking alon ang nirentahan nilang MB Joseph Express dahilan para ito ay tumaob.

Ayon sa Coast Guard Central Visayas, naglayag ang pito sa kabila ng umiiral na suspensyon sa paglalayag ng mga sasakyan pandagat.

Ayon sa Lapu-Lapu City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRM) Officer Nagiel Bañacia, katuwang sa pag-rescue sa mga pasahero si Brgy. Capt. Cyrus Eyas.

Ligtas na ang sampu at nasuri na ng Coast Guard medics.

Ayon sa mga nailigtas, sinubukan nilang maglayag dahil ilang araw na silang absent sa trabaho.

Pasado, alas 4:00 ng madaling araw nang umalis sila sa Brgy. San Vicente at pagdating sa pagitan ng Olango at Mactan Islands ay binayo na sila ng malalakas na alon.

Agad naman silang nakahingi ng saklolo.

Read more...