Water level ng Angat dam nadagdagan pa

Muling nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa 6:00AM update ng PAGASA Hydrology ngayong araw Aug. 7, ay nasa 169.63 meters ang water level ng Angat.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 75.73 meters.

Ang iba pang dam gaya ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat ay pawang nadagdagan din ang antas ng tubig.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.72 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Caliraya at Binga.

Read more...