Layon ng kanyang Senate Bill 162 o ang Girls Not Brides Act of 2019 na ipagbawal na ang ‘child marriage’.
Nakasaad din sa panukala na maari nang parusahan ang magbabasbas at kukunsinti ng pagpapakasal ng bata.
Ikukunsidera na itong paglabag sa RA 7610 o ang Child Protection Act at maaring mapatawan ng parusang ‘prison mayor’ at multa na hanggang P50,000.
Binanggit ni Hontiveros na pang-12 sa buong mundo ang Pilipinas sa usapin ng ‘child brides’ sa bilang na 726,000.
Sinabi pa nito na base sa pag aaral ng UNICEF, 15 porsiyento ng mga babae sa bansa ay ikinakasal bago pa man sumapit ang kanilang ika-18 kaarawan at may dalawang porsiyento naman bago sila tumuntong ng 15-taon.
Dagdag pa ng senadora may mga kaso din na ang pagpapakasal ay bunga ng child prostitution at mail order bride.