Child marriage nais ni Sen. Risa Hontiveros na maging kaso ng child abuse

By Jan Escosio August 07, 2019 - 08:43 AM

Para matuldukan na ang ‘child marriages’ sa bansa, ipinanukala ni Senator Risa Hontiveros na maituring na child abuse.

Layon ng kanyang Senate Bill 162 o ang Girls Not Brides Act of 2019 na ipagbawal na ang ‘child marriage’.

Nakasaad din sa panukala na maari nang parusahan ang magbabasbas at kukunsinti ng pagpapakasal ng bata.

Ikukunsidera na itong paglabag sa RA 7610 o ang Child Protection Act at maaring mapatawan ng parusang ‘prison mayor’ at multa na hanggang P50,000.

Binanggit ni Hontiveros na pang-12 sa buong mundo ang Pilipinas sa usapin ng ‘child brides’ sa bilang na 726,000.

Sinabi pa nito na base sa pag aaral ng UNICEF, 15 porsiyento ng mga babae sa bansa ay ikinakasal bago pa man sumapit ang kanilang ika-18 kaarawan at may dalawang porsiyento naman bago sila tumuntong ng 15-taon.

Dagdag pa ng senadora may mga kaso din na ang pagpapakasal ay bunga ng child prostitution at mail order bride.

TAGS: Child Abuse, child marriage, Radyo Inquirer, Senator Risa Hontiveros, Child Abuse, child marriage, Radyo Inquirer, Senator Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.