Halos $48.7M na halaga ng heroin nakumpiska sa UK

By Dona Dominguez-Cargullo August 07, 2019 - 07:57 AM

Daan-daang kilo ng heroin ang nakumpiska ng mga otoridad sa United Kingdom.

Tinatayang aabot sa 40 million pounds o $48.7 million ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Binalot ng twalya at bathrobes ang heroin at saka ipinadala sa isang shipping container.

Ayon sa National Crime Agency, patungong Antwerp ang kargamento.

Ang container ay nagsimulang maglayag sa bahagi ng Oman at may stop over sa sa iba pang mga lugar.

Isa ito sa pinakamalaking drug seizures sa United Kingdom.

Kinumpirma din ng NCA na may mga nadakip na sila bunsod ng nasabing krimen.

TAGS: drug seizure, heroin, UK, drug seizure, heroin, UK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.